- Oras ng pagboto: 6:00am-7:00pm.
- Walang dress code pero bawal magsuot ng damit na may mukha ng kahit sinong kandidato.
- Magsuot ng face mask, magdala ng alcohol, panatilihin ang physical distancing, at magpatinging ng temperatura.
- Hindi kailangan magdala ng ID, pero maghanda pa rin kung sakaling magkaaberya.
- Alamin ang iyong precinct at sequence numbers at assigned room o clustered precinct sa Voter's Assistance Desk (VAD). Mas mainam din kung pupunta muna sa Voter Verifier at dun i-check bago pumunta sa botohan.
- Maaaring magdala ng kodigo para mapadali ang pagboto.
- Suriing mabuting ang iyong balota. Tingnan kung may punit, dumi, guhit, o naitiman na yung bilog.
- Itiman nang maayos ang bilog sa tapat ng napiling kandidato. Maaaring mag-undervote pero hindi pwedeng mag-overvote. Wag kalimutang tingnan ang likod ng balota kung nasaan ang listahan ng mga pagpipiliang party-list.
- Bawal ang pagkuha ng selfie at larawan ng balota. Maari lang dalhin ang iyong cellphone kung dito nakalista ang iboboto.
- Siguraduhing naipasok mo ang iyong balota at nabilang ng counting machine.